Pugo at Togo sa Pulang Araw
Sina Mariano Contreras at Andres Solomon, o mas kilala sa kanilang stage name na Pugo at Togo, ay ang pinakasikat na comedy duo sa Pilipinas noong 1940s hanggang 1950s.
Nakilala sila sa kanilang istilo ng pagpapatawa, katulad ng short skits, slapstick, at nakakatawang punchlines.
Nagtatanghal sila sa mga teatro sa Maynila, partikular na sa Clover Theater at Avenue Theater.
Nagsimula ang kanilang karera bilang vaudeville performers noong 1930s at talagang pinipilahan ang kanilang pagtatanghal noong panahon ng Japanese Occupation, kung saan palagi nilang ginagawang topic ang mga Hapon.
[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/14/pugo-at-togo-kings-of-comedy.jpg" alt="Pugo at Togo, Mga Hari ng Komedya"]]
Noong panahon ding iyon, pinasok na rin nila ang mundo ng pelikula.
Sa kasagsagan ng Japanese Occupation, pansamantala nilang pinalitan ang kanilang stage name bilang sina Tuguing at Puguing.
[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/14/togo-pugo-baseball.jpg" alt="Pugo and Togo playing baseball"]]
Nagpalit sila ng stage name upang maiwasan ang pagkalito dahil medyo katunog daw ng Togo ang Tojo, ang pangalan ng Prime Minister ng Japan noong early 1940s.
Matapos ang World War II, nagpatuloy sina Pugo at Togo sa kanilang showbiz career at gumawa ng maraming pelikula sa LVN Pictures.
[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/14/pugo-togo.jpg" alt="The Filipino comedy duo Pugo and Togo"]]
Bumida ang comedy duo sa mga pelikula hanggang 1952. Pumanaw si Togo noong taong iyon dahil sa heart attack habang nagte-taping ng kanilang pelikulang Dalawang Sundalong Kanin.
Sa pagpanaw ni Togo, nag-produce ang LVN Pictures ng short film kung saan inilahad ang buhay ng komedyante at idinagdag ito bilang dagdag na feature ng pelikula.
Nagpatuloy naman si Pugo sa paggawa ng pelikula at nakipag-team up kay Bentot. Pinasok na rin nya ang radyo at telebisyon.
Ilan sa mga sikat na TV shows noon ni Pugo ay Tangtarangtang, Si Tatang Kasi, at Wanted Boarders.
Naging direktor din si Pugo ng pelikula. Siya ang direktor ng pelikulang Kababalaghan o Kabulastugan? na ipinalabas sa mga sinehan noong 1962.
[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/14/kababalaghan-o-kabulastugan.jpg" alt="Kababalaghan o Kabulastugan (1962)"]]
Nakilala rin siya sa tawag na Mang Nano at kinikilala noon bilang orihinal na Hari ng Komedya ng Pilipinas. Pumanaw si Pugo noong December 12, 1978 sa edad na 68.
Abangan ang tribute kina Pugo at Togo sa Pulang Araw, 8PM sa GMA Prime!
[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/14/pugo-at-togo-pulang-araw.jpg" alt="Pugo at Togo sa Pulang Araw"]]