Ang Sining at Musika ng Pulang Araw

Sadyang napakahilig talaga nating manood ng mga pelikula at mag-binge watch ng mga series sa TV maging sa mga streaming platform.

Bahagi na ng ating pang-araw-araw na nakagawian ang pagsubaybay sa mga paborito nating palabas sa telebisyon o sa social media.

Pero alam n'yo ba na bago pa man dumating ang telebisyon at social media, at bago pa man sumikat ang mga bituin sa pelikula, ang mga Pilipino ay may deep-rooted love na sa entertainment? At ang isa sa mga libangan ng mga lolo at lola natin noon... sine!

Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang mga sinehan lalo na kapag may mga dumarating na blockbuster Hollywood films tulad ng Deadpool & Wolverine na ipinapalabas ngayon sa mga sinehan.

Iba pa ang paraan ng pagpapalabas ng mga pelikula noong 1920s.

Black and white. Walang nagsasalita. Sinasabayan lang ng orchestra habang binabasa ang mga dialog ng karakter sa screen.

Noong 1930s, nagsimula nang pumasok ang mga "talkies." This time, naririnig na nating magsalita ang mga karakter sa big screen.

Manu-mano pa ang pag-iikot ng film reels noon. At dahil nakakangawit ng braso ang pag-iikot ng mga rolyo ng pelikula, pinagpapahinga ng impresaryo ang projectionist sa kalagitnaan ng palabas.

Dito naman pumapasok ang mga bodabil upang malibang ang mga manonood habang nagpapahinga pa ang projectionist.

Ang bodabil ang pangunahing sining na napapanood ngayon sa historical family drama series ng GMA, ang Pulang Araw.

At syempre kapag may bodabil, hindi mawawala d'yan ang mga kanta.

Some of These Days

Performed by Julie Anne San Jose

Ang "Some of These Days" ay awiting pinasikat noon ni Sophie Tucker. Minsan rin itong inawit ng reyna ng Filipino jazz at bodabil na si Katy de la Cruz.

[[video width="640" height="640" controls]] [[source src="https://boredlisted.com/uploads/some-of-these-days.mp4" type="video/mp4"]] Your browser does not support the video tag. [[/video]]

Home on the Range

Performed by Epy Quizon, Cassy Lavarias, and Cheska Maranan

Soundtrack Performed by Derrick Monasterio

[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/12/home-on-the-range.jpg" alt="Home on the Range sa Pulang Araw"]]

Furusato

Performed by Migz Diokno

[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/12/furusato-migz-diokno.jpg" alt="Furusato performed by Migz Diokno in Pulang Araw"]]

Naku... Kenkoy!

Performed by Sanya Lopez and Barbie Forteza

Ang "Naku... Kenkoy!" ay binuo ng composer na si Nicanor Abelardo at isinulat naman ni Romualdo G. Ramos ang lyrics.

[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/12/naku-kenkoy.jpg" alt="Naku... Kenkoy performed by Sanya Lopez and Barbie Forteza"]]

Kapangyarihan

Performed by Ben&Ben and SB19

Ang Kapangyarihan ang opening song ng Pulang Araw.

[[img src="/uploads/img/articles/2024/08/12/kapangyarihan-ben-and-ben-sb19.jpg" alt="Kapangyarihan by Ben&Ben and SB19"]]

Marami pang dapat abangan sa Pulang Araw kabilang na ang mga hari sa pinilakang tabing noon.

Stay Updated

Subscribe to our newsletter for the latest articles and insights.